(044)12345

Saogcooperative

Frequently Asked Questions

Frequently Asked Questions

Sino ang nagmamay-ari at may kapangyarihan sa pagpapatakbo ng kooperatiba?

Ang Kooperatiba ay pag-aari ng lahat ng mga kasapi. Ang General Assembly ang may huling pagpapasya sa mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa pagpapatakbo ng Kooperatiba

ANO ANG ANNUAL GENERAL ASSEMBLY O TAUNANG PANGKALAHATANG PAGPUPULONG?

Ito ang taunang pagtitipon ng mga kasapi ng Kooperatiba kung saan nagagamit nila ang kanilang karapatan sa pagpapasya sa mga mahalagang bagay na may kaugnayan sa pagpapatakbo o pamamahala ng Kooperatiba. Ginaganap ito minsan isang taon sa lugar at petsa na pagpapasyahan ng Lupong Patnugutan.

SINU-SINO ANG NAMAMAHALA SA KOOPERATIBA?

1. LUPONG PATNUGUTAN (Board of Directors) - ang lupong nangangasiwa sa pangkalahatang kaayusan at bumabalangkas ng mga alituntunin para sa ikauunlad ng Kooperatiba.

2. LUPON SA PAGPAPAUTANG (Credit Committee) - ang lupong itinalaga ng Lupong Patnugutan para maipatupad ang mga alituntunin sa pagpapautang na kanilang pinagtibay. Sila rin ang sumusuri sa kakayahan sa pagbabayad ng mga kasapi. Ito ay may tatlong ( 3 ) kasapi na hinihirang ng Lupong Patnugutan

Sino ang maaaring sumapi sa MNSMPC?

Ang mga uri ang Kasapian sa MNSMPC:

A. Bilang Regular Member

1. Naninirahan sa Marilao, Bulacan.

2. May gulang na 18 - 60 taong gulang may kakayahang makapagkontrata nang naaayon sa batas at may pinagkakakitaan.

3. May pirmihang hanapbuhay o pinagkakakitaan

B. Bilang Associate Member

1. May edad na 17 pababa hanggang 60 taong gulang

2. Maaring mag-impok o mamuhunan sa ating Kooperatiba.

Paano ang pagsapi sa MNSMPC?

1. Dumalo sa Pre-Membership Seminar (PMES) na ginaganap tuwing ikalawang ( 2 ) Sabado ng buwan ika 9:00 ng umaga sa tanggapan ng Mahal na Señor Multipurpose Cooperative.

2. Lumagda sa application for Membership Form at mag-submit ng mga sumusunod:

A. Naninirahan sa Marilao, Bulacan

B. Proof of Billing

C. Community Tax Certificate/TIN

D. 2 x 2 picture

3. Magbayad ng Membership Fee na Isang daan Piso (P 100.00) at minimum Share Capital na apat na Libong Piso (P 4,000.00).

ANU-ANO ANG MGA TUNGKULIN NG MGA KASAPI?

1. Dumalo sa General Assembly na ginaganap minsan sa isang taon;

2. Magbayad ng utang sa takdang panahon at patuloy na mag-impok;

3. Panagutan ang pagkakautang sa Kooperatiba kabilang ang pananagutan sa pagiging Comaker

4. Maghalal ng mga opisyal na mabubuti, tapat, maaasahan at may panahong maglingkod sa samahan;

5. Mag-anyaya ng iba pang maaaring maging mabubuting kasapi;

6. Makiisa sa mga pag-aaral tungkol sa ikauunlad ng Kooperatiba.

7. Maghulog ng palagian sa Share Capital o Saping Puhunan.

ANU-ANO ANG URI NG LAGAK SA KOOPERATIBA?

1. SHARE CAPITAL - ito ang tinatawag na Saping Puhunan na hindi maaring mawithdraw maliban kung magbibitiw na sa pagiging kasapi. Ang patubo sa lagak na ito ay batay sa kinikita ng Kooperatiba sa loob ng isang taon. Dito din ibinabatay ang halaga ng maaring mautang ng isang kasapi.

2. SAVINGS DEPOSIT ( o sariling pag-iimpok ) - Ito ang lagak na maaaring ma-withdraw anumang oras na bukas ang tanggapan. Ito ay kumikita ng tubong higit na mataas kaysa bigay ng bangko at walang withholding tax.

3. TIME DEPOSIT- Ito ay lagak na may takdang panahon bago ma-withdraw at higit na mataas ang patubo kaysa bangko at walang withholding tax. Maaaring gamitin itong collateral sa loan.

ANU-ANO ANG MGA URI NG PAUTANG?

1. CHARACTER LOAN – utang na ang panagot lamang ay ang pagkatao ng kasapi:

❖ Nakabatay sa Share Capital.

❖ May 2 Co-makers.

A. BACK TO BACK LOAN

❖ utang ang panagot ay ang Share Capital ng kasaping nangungutang

❖ utang na ang panagot ay Time Deposit

B. EMERGENCY LOAN – utang na ginagamit na pambayad sa ospital o pambili ng gamot.

C. EDUCATIONAL LOAN – utang na ginagamit na pangmatrikula sa paaralan na may maximum na P25,000.00 bawat estudyante isang semester.

D. MICRO-FINANCE LOAN – utang para sa mga maliliit na namumuhunan o nagnenegosyo.

E. SALARY LOAN – utang na maaring ma-avail ng mga empleyado, namumuno at ng Management Staff ng pampubliko at pribadong tanggapan.

F. CONSUMER LOAN – utang para sa pambili ng kagamitan o kasangkapan sa bahay/ pang travel at iba pa.

2. COLLATERIZED LOAN - utang na ang panagot ay titulo ng lupa. at iba pa

❖ REGULAR COLL.LOAN – maximum 3 years term at hanggang sa P500,000.00.

❖ JEWELRY COLLATERAL LOAN – utang na ang panagot ay alahas.

❖ OVERNIGHT LOAN – maaring ma-avail ng mga kasaping may collateralized loan na may interest na 3% maximum of 10 days at Post Dated Check (PDC)

PAANO AT KAILAN MAKAKAUTANG ANG MGA KASAPI?

1. Ang Kasapi lamang ang maaring mangutang sa Kooperatiba.

2. Basahing mabuti at sagutin ang lahat ng mga katanungan sa Loan Application Form na makukuha sa tanggapan ng Mahal na Señor Multipurpose Cooperative.

3. Tuusin kung makakayanan ang takdang hulog sa utang ayon sa nakalagay sa loan application form.

4. Kumuha ng Dalawang (2) Co-Maker o Ka-ako at papirmahin sa Co-Maker’s Statement Form.

5. Alamin at tiyakin kung kalian ibabalik ang sinagutang Loan Application Form para masimulan ang Credit Investigation at ang interview ng Credit Committee na magpapatibay sa pag-utang.

ANU-ANO ANG IBINABAWAS SA INUUTANG NG ISANG KASAPI?

❖ INTEREST – 2% kada buwan o 24% isang taon base sa halaga ng inuutang.

❖ SERVICE FEE – 3% ng halagang inuutang.

❖ CAPITAL BUILD-UP – 3% ng halagang inuutang na idinadagdag sa share capital ng kasaping umuutang.

❖ FILING FEES – P150.00 fixed rate applicable to salary loans only.

❖ INSURANCE – 1% ng halagang inuutang.

BATAYAN SA PAGPAPASIYA NG CREDIT COMMITTEE

1. Character o katauhan ng Kasapi

2. Capacity to pay o kakayahang magbayad ng kasapi

3. Collateral o panagot sa utang

4. Credit standing o tala sa pagbabayad ng kasapi

5. Co-Makers/ Ka-ako (2)

PAANO ANG PAGBABAYAD NG UTANG?

Ang pagbabayad ng utang ay buwanan (monthly/lump sum amortization) batay sa sistemang straight linemethod. Bilang kaluwagan sa kasapi, binibigyan siya ng 30 araw na palugit (grace period ) sa Character Loan at labinlimang ( 15 ) araw naman sa Collateralized Loan, sa pagbabayad. May multang 1% na ipapataw kapag lumampas sa palugit na araw ng pagbabayad (duedate ).

MGA PRINSIPYO NG KOOPERATIBA

1. Bukas at malayang kaisipan – hindi pinipilit ngunit sinusuri ang nais sumapi upang maging matagumpay ang samahan.

2. Demokratikong pamamahala – ang mga namamahala ay inihahalal ng mga kasaping may karapatang bumoto.

3. Walang pagtatangi – bawat kasapi ay may pantay na karapatan.

4. Paglilingkod sa mga kasapi – ang lahat ng patakaran at pagkilos ay nakatuon sa paglilingkod para sa ikauunlad ng mga kasapi at buong kilusan.

5. Pagbabahagi ng pag-unlad at pananagutan sa mga kasapi – ibinabahagi sa mga kasapi ang pag-unlad ng kooperatiba, gayundin ang kabiguang maaaring ibunga ng mga pagkilos.

6. Pagbuo sa katatagang pinansyal - ang pagbabalangkas ng mga programang magpapalago at magpapatatag sa pinansyal na kalagayan ng kilusan ay isinasaalang-alang sa paggawa ng mga patakaran.

7. Pakikiugnay sa iba pang kooperatiba – ang mga kooperatiba ay nagtutulungan at nagkakaugnay sa pamamagitan ng mga pederasyon at union.

8. Patuloy na pag-aaral – sa lahat ng larangan, ang susi ng tagumpay ay ang patuloy na pag-aaral.

9. Pananagutan sa komunidad – ang kooperatiba ay dapat nakikisangkot sa mga programa at pagkilos tungo sa pag-unlad ng pamayanan.

PAANO ANG PAGBABAYAD NG UTANG?

● Dumalo sa Pre-Membership Education Seminar (PMES) na ginaganap tuwing ikalawang ( 2 ) Sabado ng buwan ika 9:00 ng umaga sa tanggapan ng Mahal na Señor Multipurpose Cooperative.

● Lumagda sa application for Membership Form at mag-submit ng mga sumusunod:

a. Valid ID’s (2)

b. Proof of Billing

c. CTC/TIN No.

d. 2 x 2 picture

● Magbayad ng Membership Fee na Isang daan Piso (P 100.00) at initial Share Capital na Isang Libong Piso (P 1,000.00).